I.

Narito ang PAN, kabalikat ng sino man

Kaligayahan namin ang kayo’y gabayan

Tamang nutrisyon, sa inyo ay ipaalam

Kalusugan ninyo’y, lubusang maingatan.

 

Chorus:

Nawa’y matupad ang pangarap ng PAN

Para sa iyo at sa ating lahat

Tamang pagkain, malusog na katawan

Kapit bisig,…. itong pagsikapan.

 

II.

Nais ng PAN, ipamana kanino man

Isaling sa darating na henerasyon

Tamang nutrisyon mamalagi sa isipan

Karapatan ninyo, ito nang malaman

(Repeat Chorus)

 

III.

Sa araw-araw nating pamumuhay

Tanglaw ng PAN, lagi ay umiilaw

Liwanag nito, tungo sa kalusugan

Abot tanaw, magandang kinabukasan.

(Repeat Chorus)

 

Koda:

 

Ikaw, ako at PAN …. Atin ng pagsikapan

 

 

 

Lyrics by: Ms. Rowena R. Manalansan

Melody by: Mr. Roy Buenviaje